Bakit ginawa ang AskBatas

Ang batas ay nakasulat sa mahabang legal English na mahirap basahin ng karaniwang tao. Pero ang mga tanong ng ordinaryong Pilipino — tungkol sa trabaho, upa, utang, pamilya — ay may sagot sa mismong batas. Layunin ng AskBatas na buksan iyon: itanong mo sa sarili mong salita, sasagutin ka sa plain Filipino, may citation sa mismong provision.

Paano gumagana

  • Hinahanap muna ang batas.Bawat tanong ay inihahanap ng kaugnay na provisions mula sa aming law database — hindi mula sa “memorya” ng AI.
  • Sagot na may citation. Ang AI ay pinapayagang sumagot LAMANG mula sa mga nahanap na provision, at bawat legal na punto ay may citation na pwede mong i-click para basahin ang mismong batas.
  • May confidence label. Sinasabi ng bawat sagot kung gaano kalakas ang batayan nito sa sources. Kapag walang sapat na batayan, aamin ito — hindi huhula.

Saan galing ang mga batas

Ang database namin ay hango sa mga pampublikong teksto ng batas ng Pilipinas: ang Konstitusyon, Labor Code, Civil Code, Family Code, Revised Penal Code, Rules of Court, mga Republic Act, at iba pa — 17 codal collections sa kabuuan. Pwede mong basahin ang lahat sa Browse laws. Kung may makita kang mali o lumang provision, ipaalam sa amin sa contact page.

Ang mga limitasyon namin — sinasabi namin nang diretso

  • AskBatas ay hindi law firm at hindi abogado. General legal information ang ibinibigay namin, hindi legal advice.
  • Ang AI ay maaaring magkamali. Kaya may citation ang bawat sagot — para ma-verify mo mismo, at para madali kang makakonsulta sa abogado dala ang tamang provision.
  • Hindi namin hinuhulaan ang resulta ng kaso, at hindi kami nagrerekomenda ng legal strategy. Para doon: abogado, PAO, o IBP.

Magtanong ka na

Libre itong subukan — itanong ang una mong tanong o basahin ang mga ready-made na sagot.